23 December 2014

#ReunionReplies


"Ba't wala ka pang asawa?"
—"Tita, mas gusto ko kasing unahing isipin ang panlipunang pagbabago... At saka bakla po ako."

"O, kanta ka na sa videoke?"
—"May 'I Don't Wanna Miss a Thing' po?"
"Oo. Aerosmith."
—"Regine version, okay lang po?"

"O ba't wala kayong presentation ngayon?"
—"Hindi ko pa po kasi naaaral yung steps ng Anaconda. Sa New Year na lang po."

"Ba't wala ka pang girlfriend? Huwag mong sabihing bakla ka ah!"
—"Hindi po. Babae po ako. Boyish lang."

"Oi, kanta ka na sa videoke! Anong gusto mo? Justin Bieber?"
—"Ariana Grande po."

"Baka nambababae ka na ah."
—"Hindi po. Nangkukumare lang."

"Uy, tumataba ka ah."
—"Oo nga po e. Kayo nga rin po. Kaya siguro may kabit si Tito."

"Laki ng tiyan mo ah!"
—"Hindi po. Buntis po ako. Limang taon na. Si San Miguel po ang ama."

"Napanood mo yung laro? Mukha kang mahilig sa basketball. Matangkad ka e."
—"Hindi po e. Kasabay kasi ng My Husband's Lover."

"Sino yung babae sa FB mo? Girlfriend mo?"
—"Naku, hindi po. Amiga ko po yun. Nakilala ko through my boyfriend."

"Uy, ang laki ng tiyan mo ah."
—"Buntis po ako... Echoz. Beer belly po 'yan. Nalulong po kasi ako sa alak."

"Naglalaro kayo parati ng mga pinsan mong babae noon. Ano nga bang nilalaro ninyo?"
—"Bahay-bahayan po. Ako yung mommy."

"O, kailan mo bibigyan ng mga apo ang mga magulang mo?"
—"Naku, malabo po 'yan. Wala po akong bahay-bata."

"Kailan ka mag-aasawa?"
—"Hindi pa po legal ang same-sex unions e. Jowa muna, okay lang?"

"Ang tangkad mo na ah! Nagba-basketball ka ba?"
—"No, Tito. Binibining Pilipinas po."

"Uy, tumataba ka ah."
—"Pakyu rin po."

"O, anong New Year's resolution mo?"
—"Magpataba pa lalo at manatiling single para may matatanong pa kayo next year."

[Inspired by Gang Badoy's Tita Ping T-Shirt Series.]

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...