03 August 2012

My Representative in Congress is Pro-RH. How about yours?


My Representatives in Congress are PRO-RH: QC District 3 Rep. Bolet Banal, Akbayan Rep. Kaka Bag-ao, and Akbayan Rep. Walden Bello. Ikinararangal kong iboto sila. Si Rep. Bolet ay co-author, samantalang sina Rep. Kaka at Rep. Walden ay principal authors.

How about your Representative, sa district man o party-list? Pwede niyong i-Google para malaman o kaya check out the list of authors and co-authors of House Bill No. 4244  na matatagpuan sa http://congress.gov.ph/download/basic_15/HB04244.pdf. Pero ingat lang kasi may kakaunting nag-withdraw na GMA allies, kaya mainam na magsaliksik talaga tayo tungkol sa stand ng ating mga Kinatawan. 

Kung malaman mong anti-RH pala ang Congressman mo, sana may gawin tayo para maiparating sa kanya na dapat na siyang magbago ng isip. Kapag pro-RH naman siya, magandang iparamdam natin sa kanya ang appreciation sa kanyang pagpanig sa karapatan at kalusugan ng mga ina, mga sanggol, at lahat na ng mamamayang Pilipino. Iparamdam natin sa kanila na hindi nila kailangang matakot sa mga banta ng CBCP dahil mananaig ang demokrasya at ang boses nating mga naglagay sa kanila sa posisyon.

Marami sa kanila ang nasa Twitter at Facebook. Panahon na para itodo ang pag-engage sa kanila lalo na't sa August 7 na ihahain ang motion to terminate the debates para makausad na sa legislative process ang RH Bill. Ituloy at pag-igtingin natin ang laban!


4 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. I still don't know the stand of our district's representative on the RH bill but I hope and pray to the Great Architect of the Universe that he is pro-RH bill.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Representative Erineo Maliksi is our district's representative. Do you know his stand, JeffC?

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...