23 July 2011

Ironically Cathartic


Me: Okee. We have to drink soon, ha? Drinking with you is kind of cathartic.


You: Dami mong catharsis. Hahaha!


Me: Well, if that'll make me smile more and live longer, then why not, 'di ba? Haha! Talo ang Olay Total Effects-- defeats more than seven signs of aging. Hahaha!





03 July 2011

Ang Suntok ni Inday Sara


Marami nang nagsalita at narinig na natin ang samu't saring pananaw tungkol sa insidente ng panununtok ni Davao City Mayor Sara Duterte. Umugong ang balita at mga opinyon sa pamamagitan ng social media gaya ng Facebook at Twitter. Maraming kumundena sa ginawa ni Inday Sara, marami rin namang dumepensa. 

Pag dating sa paghuhusga kung mali man ang ginawa ng Alkalde, sa dulo ng lahat-lahat, nakasalalay na ito sa mga kinauukulan, gaya ng Department of Interior and Local Government. Magsisimula na ang imbestigasyon ng ahensiyang ito motu proprio dahil kitang-kita naman ang nangyari sa mga kuha sa telebisyon at hindi na nangangailangan ng pormal na paghain ng reklamo sa bahagi ng naagrabyado.

Ngunit, tingnan nga nating muli ang naganap. Ipinahihinto ni Inday Sara ang pagtuloy sa demolisyon ng isang maralitang komunidad sa kabila ng isang kautusan ng korte na gawin ito. Dalawang oras lang ang hiningi niya, subalit tuloy pa rin ang demolisyon sa pamumuno ni Sheriff Abe Andres. Galit na galit si Duterte nang siya ay dumating na nauwi sa kanyang panununtok nang paulit-ulit kay Andres.

Ngayon, bumaha sa internet ang pambabatikos kay Duterte at sa kanyang ginawang marahas na pakikitungo sa Sheriff. Oo, mali talaga ang pananakit niya. Paulit-ulit na itong sinasabi sa Twitter at Facebook. Oo, mali na ginagawa ito ng tulad niya na isang alkalde at isang abugado. Mayroon nang mga tanggapan at patakarang mangangasiwa ng pagpataw ng karampatang parusa para sa rito. 

Ang kasalanan talaga ni Inday Sara ay ang manakit ng kapwa sa kabila ng intensyon na pangalagaan ang kapakanan ng marami pang iba. Ang kasalanan din niya ay nasa isang posisyon siya na may taglay na kapangyarihan-- at ang kapangyarihang ito ay hindi dapat inaabuso para manakit ng kahit isang tao man lang.


Ang hindi ko lang masyadong ikinatutuwa ay ang bilis ng pagtugon ng mga tao sa isyung ito. Tingnan din natin nang mas malalim. Nagalit si Duterte dahil ayaw niyang humantong sa karahasan ang napipintong demolisyon. Mali man ang reaksyon niya kay Sheriff Andres, ngunit sa palagay ko, tama naman ang nararamdaman niya noong panahong iyon. Sana ganyan din kabilis ang pambabatikos kapag may mga nasaktan ng ibang mga sheriff at mga tauhan nila tuwing may pinapalayas silang mga pamilyang maralita habang ginigiba ang kanilang mga tahanan. Sana ganyan din kabilis ang mga reaksyon kapag hindi sikat na personalidad ang nasasangkot pero may nangyayaring pagsagasa sa karapatan. Hindi rin ito dapat gawing pagpapatibay ng paggamit ng dahas upang makamit ang katarungan, gaya ng armadong pakikibaka na ninanais ng iilan. Kahit sinasabing ang paggawa ng karahasan sa iisang tao ay nakapagpigil pa ng mas malawakang karahasan, ganoon pa rin iyo-- karahasan pa rin.

Oo, mali talaga ang ginawa niya, ngunit mas mali kapag doon lang tayo natapos sa ating mga pinagsasasabi. Kung hindi lang nanuntok si Inday Sara, maaari siyang maging magandang halimbawa ng isang lokal na opsiyal na tunay na naglilingkod sa mamamayang naglagay sa kanya sa poder. Husgahan natin ang ginawa niyang karahasan, ngunit huwag nating husgahan kung ano at para kanino ang dahilan niya para rito. Wapak!




Video from the ABS-CBN News Channel.




01 July 2011

June 28, 2008: Our Last Night

I miss you, Lorenz.


Heather Small - Proud
(One of the songs played in Government Makati on that night.)


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...