08 May 2011

Mga Hirit at Banat (Part 1)










Mga usapan sa inuman, sinehan, kapihan, at kung saan-saan sa pagitan nina Erika Mayoni at Jeff Crisostomo patungkol sa kung anu-ano...




THE WRONG MEN

Jeff: Wala ka pa kasing pinapatulang lalaking matino.
Erika: Uy, matino sila...
Jeff: Eh kung matitino sila, bakit nandito ka ngayon, umiinom kasama ang isang bakla!?
Erika: Kasi ako ang hindi matino... 

______________________________

WEDDINGS

Jeff: Ano ako sa kasal mo?
Erika: Ano?! Sharon Cuneta? Matron of honor? As if magkakaroon ako ng church wedding...
Jeff: Nye, so ano?
Erika: Witness.
Jeff: Okay.

Jeff: Pangarap kong ikasal ka.
Erika: Huwag kang mag-alala. Pangarap ko rin yan sa sarili ko.
______________________________

LEFTOVER FOOD (FROM THE OTHER TABLE)

Jeff: Kuya, ginalaw ba nila yung kropek nila?
Kuya Waiter: Hindi po.
Erika: Dahil diyan, dalhin mo sa 'min!
Jeff: Gusto mo, Kuya. Kuha ka o.
______________________________

FIRST IMPRESSIONS AND ANATOMY

Erika: There's no bad blood in her...
Jeff: Veins?
Erika: Arteries.
______________________________

CATCHING UP

Erika: [Looks at the time.] Ayan ha, kanina pa tayo nagkukuwentuhan... O ayan, wala na.
______________________________

RESTRAINT

Jeff: Girl, awat!.. Ay oo nga pala, ikaw si Erika Mayoni. Hindi ka inaawat.
Erika: Girl, alam mo yan. Nag-try ka pa!
______________________________

THE LIMITS OF HUMAN PHYSIOLOGY

Erika: Alam mo bang kaya kong i-tuck ang hair ko gamit ang paa ko? [Sabay demo. Hawak ng kamay ang paa.]
Jeff: Akala ko walang kamay...
Erika: Hindi ko kaya yun.
______________________________

DRINKING SESSION CUISINE

Jeff: Ayaw mo ng shrimp?
Erika: Ayoko! Mahihirapan ka magbalat. Hindi ka marunong! Itigil mo yan! Inihaw na liempo na lang!
______________________________

CONTROL

Erika: Naiihi na talaga 'ko.
Jeff: Bakit?! May pumipigil ba sa 'yo?
______________________________

EXAMINING THE AUTHENTICITY OF PEARLS

Erika: Binigyan niya nga ako ng pearls. [Points to her necklace pendant and earrings.]
Jeff: Totoo ba ‘yan?
Erika: Oo naman. Pano mo ba malalaman?
Jeff: Scratch two pearls together tapos may dust na lalabas. Tapos tingnan mo kung may damage yung pearls. Pag wala, hindi sila fake.
Erika: Spoken like a true diva!
______________________________

MOVIES

[While watching The Dark Knight with Viktor.]
Erika: Ano ba 'tong papanoorin natin? Mamma Mia?
[Around ten minutes into the movie.]
Jeff: Ba't wala pa si Merryl Streep? 'Tsaka ba't wala pang kumakanta?
Erika: Oo nga. Ang violent! Puro barilan...
______________________________

STRUCTURE AND AGENCY

Jeff: Maganda ba talaga yung movie? Kayo ni Viki, sabi niyo okay lang. Feeling ko mas nagustuhan ko kaysa sa inyo.
Erika: Masyado ka lang nadala ng hype...
Jeff: Oo nga. Feeling ko rin. May pressure mula sa lipunan na sabihing maganda siya kasi yung mga unang nanood, they're raving about it. Kapag iba ang opinyon ko, baka hindi tanggapin ng nakararami sa lipunan kaya may pressure na maki-ayon. Kailangan ko bang mag-agree sa kanila?
Erika: Huwag!
Erika and Jeff: [Boisterous laughter.]
______________________________

THE WRONG MEN (AGAIN)

Erika: Meron bang inuman na hindi ko siya minura?
Jeff: Wala... wala.
Erika and Jeff: [Boisterous laughter.]

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...