11 May 2011

Mga Hirit at Banat (Part 2)











Mga usapan sa department store, kapihan, parke, inuman, at kung saan-saan sa pagitan nina Viktor Fontanilla at Jeff Crisostomo patungkol sa kung anu-ano...



BAGS AND CIVIL LIBERTIES


Department Store Person (DSP): Sir, eto po o. Baka gusto niyo 'to...
Jeff: Patingin nga.
DSP: Sir, ayan po o, waterproof. [Sabay labas ng bote ng mineral water na may maliit na butas sa takip at binasa ang bag.]
Jeff: Taray!
Viktor: Ayan, pwedeng pang-rally.
Jeff: Korek.
______________________________


CHILDREN AND FLIRTATION


Jeff: Nginingitian ka nung bata o.
Viktor: Oo nga. Ang cute nung baby.
Jeff: Malandi siya.

______________________________

PREHISTORIC DIVAS


Jeff: [Tinuro ang poster ng concert ni Geneva Cruz, Roselle Nava, Rachel Alejandro, at Jessa Zaragoza.] Wow! Ladies of the 90s!
Viktor: [Laughter.]
Jeff: In English...
Jeff and Viktor: Laos na!

______________________________

HUMOR


Jeff: [Sa text.] Kinakabahan ako...
Viktor: [Bilang reply.] Sus, kaya mo yan. Humor is your forte.
Jeff: [Sa isip-isip.] Teka, compliment ba yun? Sige na nga... 

______________________________

PRONUNCIATION


Viktor: Inaabangan ko na yung climacool (He pronounced it as klee-ma-kool.) [ng Adidas]!
Jeff: Climacool (klay-ma-kool) kasi! Parang climate! Climatology!
Viktor: [Silence. Mukhang nag-iisip ng banat.] Meron kasi dapat yan e... [Then suddenly...] Clean! Cleanliness!
Jeff and Viktor: [Halakhakan!]
Jeff: Naisahan mo ko dun a!

______________________________


THE MUSIC INDUSTRY


Jeff: [Kumakanta ng Don't Let Go ng En Vogue...]
Viktor: Ah En Vogue pala yun... Parang may narinig ako lalaki yung kumakanta nun...
Jeff: Ako yun. Ngayon na.
______________________________


SELECTIVE INFATUATION


Viktor: Ayan yung crush mo o.
Jeff: Ah. Hindi ko siya ma-recognize nang may damit.
______________________________


TECHNOLOGY


Viktor: Kaya mabagal internet dito kasi may naputol na kable sa China or Hongkong.
Jeff: ...Huh?... Nakikigamit tayo sa kanila?
Viktor: [Tawa.]
______________________________

SWEETNESS AND SANITATION


Jeff: Aray! [Nakagat ng langgam.] Ang dami namang langgam dito sa kwarto mo.
Viktor: Matamis kasi ako e.
______________________________


MEMORY


Viktor: Ikaw ba yung tinanong ko dati kung venti is for 20 mL?
Jeff: Hindi ko alam. Kung ako man yun, ang sagot ko ay "hindi ko alam."
[After a while...]
Jeff: Ay ako nga ata...
Viktor: Ano sagot mo nun?
Jeff: "Hindi ko alam."
______________________________


BAGS AND ANIMAL RIGHTS


Jeff: [Pinitik ang nakadapong thing sa bag.]
Viktor: Cruelty to animals!
Jeff: I'm sure kung nasa bag din niya ako, pipitikin din niya 'ko!


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...