20 December 2011

SR, GASC, CRSRS-- Ano raw?


Noong kami'y bata pa: BAC, SESC, USC, at CSSPSC
ng UP Diliman sa GASC 2004 sa UP Miag-ao, Iloilo.
Kasalukuyang nasa General Assembly of Student Councils (GASC) sa Miag-ao, Iloilo ngayon ang iba’t ibang kinatawan ng mga student council ng buong University of the Philippines System. Ito ang panahon at lugar upang subuking amyendahan ang Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS) upang gawin itong mas demokratiko at mas kumakatawan sa mga mag-aaral.

Ang College of Social Sciences and Philosophy Student Council (CSSPSC), kasama ang ibang mga Konsehong naniniwalang dapat baguhin ang isang napaglumaan nang sistema ng pagpili ng Student Regent (SR), ay nagtutulak na maipasa ang tatlong panukala sa CRSRS.

Una, nariyan ang paglalagay ng MINIMUM ACADEMIC REQUIREMENT para sa mga nominado bilang SR. Sabi nga, bago ka maging lider estudyante, estudyante ka muna. Bilang Iskolar para sa Bayan, tungkulin mo ang gawing maayos ang iyong buhay akademiko upang hindi masayang ang buwis ng mamamayan na ginagamit sa iyong pag-aaral. Hindi batayan ng pagiging magaling na pinuno ang pagiging magaling na mag-aaral ngunit kailangan ang ganitong pamantayan upang masigurado na tunay na kinatawan nga ng mga estudyante ang SR. Kaya nga STUDENT Regent ‘di ba? Alangan namang maulit pa ang mga nangyayari dati na natatanggal ang SR dahil sa pagiging delinkwenteng mag-aaral. Pagtataksil iyan sa tiwala ng mga pinaglilingkuran niya dahil sa pagtanggal sa isang SR na hindi na mag-aaral, nawawalan tayo ng representasyon sa pinakamataas na governing body ng UP, ang Board of Regents (BOR).

GASC 2007 at UP Los  BaƱos with ALYANSA sa USC plus LSG
Pangalawa, nais ng mga Konseho na magkaroon ng isang boto para sa bawat kolehiyo sa pagpili ng SR. Samakatuwid, ‘ONE COLLEGE, ONE VOTE.’ Nilalayon nito na gawing mas demokratiko ang paraan ng pagpili ng SR sa pamamagitan ng pagpapalawak ng espasyo para sa partisipasyon ng mga mag-aaral. Dahil mukhang hindi naman talaga kakayanin sa maraming kadahilanan ang direct voting ng bawat isang estudyante, nariyan dapat ang mga Konseho nila upang bigyan sila ng representasyon. Sa kasalukuyan, ang paraan ng pagboto ay ang pagtatalaga ng isang boto kada regional unit (gaya ng Palo, San Fernando, atbp.) at dalawang boto naman para sa bawat autonomous unit (gaya ng Diliman, Manila, Mindanao, atbp.). Hindi kailangang bali-baliktarin ito upang makita na hindi nito maayos na naibabahagi ang kapangyarihang maghalal ng SR sa lahat ng mag-aaral ng kabuuan ng UP System. Kapag may boto ang bawat kolehiyo, mas titibay ang mandato ng SR. Mas titibay ang kanyang pananagutan bilang isang kinatawan. Sabi ng iba, kawawa raw ang ibang mga unit sa dami ng mga kolehiyo ng Diliman kapag napatupad ito. Hindi rin. Nakakahiya naming isipin na ang taga-Diliman ay boboto lang para sa taga-Diliman. Insulto ito sa kakayahan ng mga lider estudyante ng UP na magsuri at kumilatis ng nararapat na SR base sa kanyang plataporma at karanasan. Kaya nga noong napatupad ito noong 2005, ang mga kolehiyo ng Diliman ay bumoto para sa isang nominadong galing Cebu.

GASC 2007 in UP Baguio with
ALYANSA sa USC plus MSC
Ikatlo, nakikita nila ang pangangailangang TANGGALIN ANG PAGBANGGIT ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP) sa loob ng CRSRS. Kinikilala natin ang ambag ng samahang ito sa kasaysayan ng pagbabalik ng Opisina ng Rehente ng mga Mag-aaral noon, ngunit walang lugar sa isang talaan ng CODIFIED RULES ang pagkilalang ito. Mainam na gumawa na lang ng aklat tungkol sa mga tagumpay ng KASAMA sa UP imbis na ilagay pa sila sa CRSRS. Bakit? Hindi lahat ng Konseho ay bahagi nito. Nagiging mapanghati. Karagdagan pa, ang mga nakasaad na tungkulin ng KASAMA sa UP ay pareho lang naman sa mga kailangan gampanan ng mga Konseho na nakalagay sa CRSRS. The law hates redundancy, ‘ika nga. Ang pagpapanukala ng pagtanggal ng pagbanggit sa KASAMA sa UP ay nakabase sa ideya ng pagiging para sa lahat ng CRSRS at ng pagpili ng SR.

Para sa mga Konsehong nasa GASC ngayon na lumalaban upang ipasa ang progresibong amendments sa CRSRS, mabuhay kayo! Ituloy at itaguyod ninyo ang labang MALINIS at MARANGAL para sa isang Student Regent selection process na progresibo, demokratiko, at kumakatawan sa LAHAT ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas!


23 July 2011

Ironically Cathartic


Me: Okee. We have to drink soon, ha? Drinking with you is kind of cathartic.


You: Dami mong catharsis. Hahaha!


Me: Well, if that'll make me smile more and live longer, then why not, 'di ba? Haha! Talo ang Olay Total Effects-- defeats more than seven signs of aging. Hahaha!





03 July 2011

Ang Suntok ni Inday Sara


Marami nang nagsalita at narinig na natin ang samu't saring pananaw tungkol sa insidente ng panununtok ni Davao City Mayor Sara Duterte. Umugong ang balita at mga opinyon sa pamamagitan ng social media gaya ng Facebook at Twitter. Maraming kumundena sa ginawa ni Inday Sara, marami rin namang dumepensa. 

Pag dating sa paghuhusga kung mali man ang ginawa ng Alkalde, sa dulo ng lahat-lahat, nakasalalay na ito sa mga kinauukulan, gaya ng Department of Interior and Local Government. Magsisimula na ang imbestigasyon ng ahensiyang ito motu proprio dahil kitang-kita naman ang nangyari sa mga kuha sa telebisyon at hindi na nangangailangan ng pormal na paghain ng reklamo sa bahagi ng naagrabyado.

Ngunit, tingnan nga nating muli ang naganap. Ipinahihinto ni Inday Sara ang pagtuloy sa demolisyon ng isang maralitang komunidad sa kabila ng isang kautusan ng korte na gawin ito. Dalawang oras lang ang hiningi niya, subalit tuloy pa rin ang demolisyon sa pamumuno ni Sheriff Abe Andres. Galit na galit si Duterte nang siya ay dumating na nauwi sa kanyang panununtok nang paulit-ulit kay Andres.

Ngayon, bumaha sa internet ang pambabatikos kay Duterte at sa kanyang ginawang marahas na pakikitungo sa Sheriff. Oo, mali talaga ang pananakit niya. Paulit-ulit na itong sinasabi sa Twitter at Facebook. Oo, mali na ginagawa ito ng tulad niya na isang alkalde at isang abugado. Mayroon nang mga tanggapan at patakarang mangangasiwa ng pagpataw ng karampatang parusa para sa rito. 

Ang kasalanan talaga ni Inday Sara ay ang manakit ng kapwa sa kabila ng intensyon na pangalagaan ang kapakanan ng marami pang iba. Ang kasalanan din niya ay nasa isang posisyon siya na may taglay na kapangyarihan-- at ang kapangyarihang ito ay hindi dapat inaabuso para manakit ng kahit isang tao man lang.


Ang hindi ko lang masyadong ikinatutuwa ay ang bilis ng pagtugon ng mga tao sa isyung ito. Tingnan din natin nang mas malalim. Nagalit si Duterte dahil ayaw niyang humantong sa karahasan ang napipintong demolisyon. Mali man ang reaksyon niya kay Sheriff Andres, ngunit sa palagay ko, tama naman ang nararamdaman niya noong panahong iyon. Sana ganyan din kabilis ang pambabatikos kapag may mga nasaktan ng ibang mga sheriff at mga tauhan nila tuwing may pinapalayas silang mga pamilyang maralita habang ginigiba ang kanilang mga tahanan. Sana ganyan din kabilis ang mga reaksyon kapag hindi sikat na personalidad ang nasasangkot pero may nangyayaring pagsagasa sa karapatan. Hindi rin ito dapat gawing pagpapatibay ng paggamit ng dahas upang makamit ang katarungan, gaya ng armadong pakikibaka na ninanais ng iilan. Kahit sinasabing ang paggawa ng karahasan sa iisang tao ay nakapagpigil pa ng mas malawakang karahasan, ganoon pa rin iyo-- karahasan pa rin.

Oo, mali talaga ang ginawa niya, ngunit mas mali kapag doon lang tayo natapos sa ating mga pinagsasasabi. Kung hindi lang nanuntok si Inday Sara, maaari siyang maging magandang halimbawa ng isang lokal na opsiyal na tunay na naglilingkod sa mamamayang naglagay sa kanya sa poder. Husgahan natin ang ginawa niyang karahasan, ngunit huwag nating husgahan kung ano at para kanino ang dahilan niya para rito. Wapak!




Video from the ABS-CBN News Channel.




01 July 2011

June 28, 2008: Our Last Night

I miss you, Lorenz.


Heather Small - Proud
(One of the songs played in Government Makati on that night.)


30 June 2011

Mattress

Habang nasa SM North Edsa...


Jeff: Bakit tayo pumupunta dito (sa furniture and mattresses section ng department store)? Gagawa ka na ba ng pamilya?
Erika: 'Di ba nga? Pag malungkot ako, dito ako pumupunta.
Jeff: Para malungkot ka lalo?
Erika: Dahil wala akong pambili.
Jeff: Hindi. Dahil wala kang katabi.


Wapak!


24 June 2011

Hydrography 101


Jeff: Natakot ako nung una, malapit kasi kami sa La Mesa na umaapaw na raw. Pero okay na pala kasi kahit pakakawalan yung tubig, hindi naman dadaan sa amin.
Erika: Ayun na nga, nagpapakawala na raw yung mga dam ng tubig.
Jeff: Korek, yung sa La Mesa, sa Tullahan River daw papakawalan.
Viktor: Malapit sa 'min yun ah.
Erika: Oo! Katabi kasi ng bahay namin yun e.


Sangguniang Kabataan Reform

Sangguniang Kabataan Reform campaign graphic made for 
Akbayan Youth and the SK Reform Coalition (16 August 2010).  


Overflowing Damnation

A one-storey house and zero swimming skills. Great. Just great.


A Contrast in Human Adaptation



19 June 2011

Gay Fathers' Day



Mensahe ni Dr. Jose Rizal para sa mga Iskolar para sa Bayan

Nakasulat sa paanan ng Oblation sa Bulwagang Quezon, Unibersidad ng Pilipinas - Diliman:

Nasaan ang kabataang mag-aalay
ng kanilang kasibulang buhay,
ng kanilang adhikain at sigasig
sa kabutihan ng bansa? 

Nasaan ang siyang puspusang
magbubuhos ng dugo upang
hugasang lahat ang ating kahihiyan,
ang ating mga kalapastanganan,
ang ating kabalintuan? 

Tanging yaong dalisay at walang bahid
ang karapatdapat na naging alay upang
matanggap ang kasalantaang ito. 

Binigkas ni Padre Florentino sa 
El Filibusterismo, Dr. Jose P. Rizal, 1891


05 June 2011

#TipsForUPFreshies on Twitter

The freshmen of the University of the Philippines - Diliman, I'm sure, are having a field day with the flurry of tweets with the hashtag #TipsForUPFreshies. This all started just yesterday through Eloi Hernandez (@eloindigoart), a UP professor, with just one tweet:


Prof. Hernandez explained in a later tweet that she thought of starting such a topic because she, Akbayan's Jonas Bagas (@jonasbagas), and Rock Ed's Gang Badoy (@gangbadoy) were talking about "UP folks never forgetting their student numbers." And so came the flood of tweets from UP students and alumni giving their two cents' worth (which may be summed up to thousands by now) about how to survive life as a new Iskolar ng Bayan. Up to now, #TipsForUPFreshies is still trending locally in the Philippines. It has become popular that other universities are also giving a shot at their own versions for their freshmen.

Tweets from well-meaning sophomores, juniors, seniors, super-seniors, and graduates tell freshmen a vast array of words of wisdom, ranging from where to eat to how to get to certain places, from which subjects to take to where to hang out, from how to manage academic life to how to be an Iskolar para sa Bayan. Of course, as any older Isko or Iska would expect, the immortal "TBA" joke is still being thrown around here and there. Other UP units have also joined in on the fun, giving their own tips about their take on UP life.


Here are some of my #TipsForUPFreshies:

  • Kasama sa pagiging Iskolar ng Bayan ang pagiging Iskolar para sa Bayan.
  • Explore and experiment, but be safe while doing so. Free condoms sa Ctr. for Women's Studies. Free advice sa Vinzons OCG.
  • Be respectful and sensitive to gender differences. Buksan ang isipan. Mag-ingat sa mga salita. Break stereotypes. 
  • Appreciate the works of National Artists all around the Diliman campus (i.e. sculptures, architecture). 
  • If you're in a social science course and you're planning to shift, DON'T. Maraming oportunidad after graduation. Promise. 
  • Be familiar with UP alumni. Emulate the great ones while staying away from the path of those at the wrong side of history. 
  • Develop an advocacy. By default, as an Iskolar para sa Bayan, you already have one. However, being specific wouldn't hurt. 
  • Sa freshmen na sumagi sa isip na sumali ng frat, magnilay-nilay nang mabuti at panoorin ito: http://youtu.be/lGJuFS6009Y.

Congratulations, UP freshmen. Because of social media, gone are the days of sink or swim. Welcome to the University of the Philippines! Iskolar ng Bayan, maging Iskolar para sa Bayan!



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...