29 December 2014

Honor, Excellence, and Humility



There's a controversial hoodie design circulating on Facebook which contains the statement "I graduated from UPD. To save time, let's just assume I'm always right."

Tantanan nga ang pagbabaluktot ng kahulugan ng 'school pride/spirit.' This kind of arrogance should not be imbibed or tolerated by the alumni of the University of the Philippines - Diliman. Ang tunay at matinong Iskolar ng Bayan, may dangal at husay na hindi kailangang tahasang ipagyabang. Maliban pa rito, ang chaka ng design. This is why I made a better version with the statement: "I may have graduated from UP, but I continue to study and learn because I was taught to assume that I don't know everything."

Sabi nga sa amin sa Buklod CSSP, as Iskolars para sa Bayan, we must "learn for and from the people; and struggle for and with the people."


23 December 2014

#ReunionReplies


"Ba't wala ka pang asawa?"
—"Tita, mas gusto ko kasing unahing isipin ang panlipunang pagbabago... At saka bakla po ako."

"O, kanta ka na sa videoke?"
—"May 'I Don't Wanna Miss a Thing' po?"
"Oo. Aerosmith."
—"Regine version, okay lang po?"

"O ba't wala kayong presentation ngayon?"
—"Hindi ko pa po kasi naaaral yung steps ng Anaconda. Sa New Year na lang po."

"Ba't wala ka pang girlfriend? Huwag mong sabihing bakla ka ah!"
—"Hindi po. Babae po ako. Boyish lang."

"Oi, kanta ka na sa videoke! Anong gusto mo? Justin Bieber?"
—"Ariana Grande po."

"Baka nambababae ka na ah."
—"Hindi po. Nangkukumare lang."

"Uy, tumataba ka ah."
—"Oo nga po e. Kayo nga rin po. Kaya siguro may kabit si Tito."

"Laki ng tiyan mo ah!"
—"Hindi po. Buntis po ako. Limang taon na. Si San Miguel po ang ama."

"Napanood mo yung laro? Mukha kang mahilig sa basketball. Matangkad ka e."
—"Hindi po e. Kasabay kasi ng My Husband's Lover."

"Sino yung babae sa FB mo? Girlfriend mo?"
—"Naku, hindi po. Amiga ko po yun. Nakilala ko through my boyfriend."

"Uy, ang laki ng tiyan mo ah."
—"Buntis po ako... Echoz. Beer belly po 'yan. Nalulong po kasi ako sa alak."

"Naglalaro kayo parati ng mga pinsan mong babae noon. Ano nga bang nilalaro ninyo?"
—"Bahay-bahayan po. Ako yung mommy."

"O, kailan mo bibigyan ng mga apo ang mga magulang mo?"
—"Naku, malabo po 'yan. Wala po akong bahay-bata."

"Kailan ka mag-aasawa?"
—"Hindi pa po legal ang same-sex unions e. Jowa muna, okay lang?"

"Ang tangkad mo na ah! Nagba-basketball ka ba?"
—"No, Tito. Binibining Pilipinas po."

"Uy, tumataba ka ah."
—"Pakyu rin po."

"O, anong New Year's resolution mo?"
—"Magpataba pa lalo at manatiling single para may matatanong pa kayo next year."

[Inspired by Gang Badoy's Tita Ping T-Shirt Series.]
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...